Categories
Worship

27 January 2021 – Midweek Prayer Meeting Guide

“Humayo”

Acts 9:1-5

Nang ako ay nagdesisyon na pumasok sa seminary, ang una kong kinailangan gawin ay iwan ang aking trabaho. Dahil wala akong trabaho… wala akong pambayad ng rent… Since I will be jobless, I will practically be homeless. Nun unang gabi na narealize ko ito… ang dami ko pong iyak… But God provided, through Pastor Glo, the MinTeam and Ellinwood.. I will forever be grateful sa support na ibinigay at patuloy pong ibinabahagi ng MinTeam at buong simbahan ng Ellinwood. Doon po ako tumira sa parsonage ni Pastor Glo. Nun ako po ay nagtatrabaho, room for rent lang ako, walang TV, ref, shared na banyo… Nun sumunod ako sa tawag ng Pangnoon, at nawalan ako ng trabaho…Ako lang mag isa, may ref, microwave, TV, 2 bedrooms, 2 bathrooms…

Meron pong pagkakataon nang ako po ay kumakain ng hapunan sa parsonage, patingin ako sa bahay. Napaisip ako… isang buong bahay ako lang, wala akong binabayadan pero meron akong tinitirahan… pati yun pagkain ko… adobo bigay sa kin. Yun bigas na niluto ko bigay ng mga kaibigan ko… Clearly, all of this is from God. I felt so blessed. God allowed me to experience His great providence through my not having… My heart was overflowing with gratitude….

Hindi madaling sumunod kay Kristo. Hindi madaling Humayo at ibahagi ang buhay, sakripisyo at pag ibig ni Kristo sa iba. We need to sacrifice and give up things that are important to us, people, relationships, plans, careers, earthly treasures, time… vices and habits…

DOWNLOAD LINKS